Sabihin na lang nating na-miss ko kaya sinusulat ko ‘to ngayon. Patawad sa mga foreigners kong kaibigan. Ita-translate ko na lang kapag nagkita tayo.
Tagal ko na sa Facebook. Ang dami ko nang nakita. In fact, one time nagsulat na din ako sa tag-lish ng ilang observations ko about it. I’ve grown, so malamang, some of it I no longer believe in. Things have changed and a lot of Facebook features have improved. Pati na din mga Facebook users masasabi kong nag-improve na din.
So para saan ‘tong sinusulat ko ngayon? Wala po. Opinyon lang
din na gusto kong i-share.
Aaminin ko, hindi lahat nang nakikita ko sa Facebook ay gusto ko. There are times na binibilisan ko na lang ang pag-browse para hindi ko makita ang ayaw ko. Pero marami din akong ayaw sa mga may ayaw. What do I mean?
Ang Facebook ay isang malaking Parking Lot ng iba’t-ibang klase ng tao – iba-ibang kultura, paniniwala, lifestyle, pinanggalingan, mga interes etc. Natural lang na makakita ka ng maraming bagay na gusto mo at ayaw mo, mga salitang agree ka at hindi.
Halimbawa:
Madami s’yang selfie, ikaw maka-groupie.

Post mo photos ng pets mo pag tulog, kumakain, tumatawa, humihikab, sila naman post ng mga anak nila.
Ikaw maka-NBA, sila naman maka-World Cup, o maka- boxing,
tapos ‘yung iba maka-Laban o Bawi (meron pa ba nun?), o America’s Next Top
Model, o American Idol.
Ikaw maka-Homeland o Walking Dead o Game of Thrones, sila
naman maka The Legal Wife or My Husband’s Lover.
Ikaw maka-telenovela, sila naman maka-Koreanovela. Yung iba mga kwento tungkol sa kapitbahay.
Ikaw madaming bagong make-up, sila naman maka-loombands.
Ikaw may bagong Nike o Adidas o G-Shock, sila naman may
bagong motor, kotse, bike. Yung iba may bagong baso o damit.
Ikaw may relationship, sila naman single o kakahiwalay
lang.
Ikaw mahiyain o may pasikretong relasyon, sila naman may
public display of affection.
Ikaw may bagong librong binabasa, sila naman may bagong
game na nilalaro o bagong movie na pinapanood.
Ikaw kaka-post mo lang ng pagkain mo, sila naman
kaka-post lang ng pinuntahan nila. Check-in!
Ikaw pino-post mo mga niluluto mo, habang ‘yung iba magpo-post din ng mga accomplishment nila gaya ng paglilinis ng bahay, mga naisampay na
na damit, o kaya natapos na trekking, o kursong natapos.
Ikaw nag-post ng quote na na-copy mo lang din, sila naman
nagse-share ng quote ng iba.
Nag-post ka ng original quote, sila naman nag-post ng reklamo tungkol sa traffic sa MRT.
Ikaw nag-post ng OOTD, sila nag-post ng verse of the day.
Ikaw nagpunta sa market para iluto mo ang paborito mong
ulam at ipagmalaki ito, sila nagpunta sa concert ng favorite rock band at
ipagmamalaki din ito.
Ikaw maglalagay ng listening
to One Direction, habang ‘yung iba at maglalagay ng traveling to.
Ikaw magpo-post ng isang magandang link na nabasa mo o
isang blog entry na sinulat mo, sila din magse-share nun pagdating ng time o kaya magse-share ng bagong page na gusto nila.
Madalas matutuwa ka.
Madalas matutuwa ka.
Pero minsan maiinis ka, minsan mauumay ka, pero maling hindi
ka rumespeto.
For all you know, may mga taong nauumay na din sa mga post mo pero rumirespeto lang. Baka nga ‘yung iba sa kanila, luma-like pa sa post mo.
Ultimately, kanya-kanyang trip 'to! We all have our share of all these things that others dislike.
There is a reason why Facebook is at its peak. It brings people together. Napadali nya ang madaming bagay – magbenta at bumili ng gamit o serbisyo, kausapin ang mga kaibigan sa malayong lugar, i-promote ang maraming bagay, mag-raise ng awareness o ng funds, bumuhay sa mga artists o writer na walang puhunan kundi ang umandar ang gawa sa social media, makilala ang mga tao, malaman sino ang mga magre-resign sa trabaho, malaman saan may bagong opening na trabaho, sundan ang mga anak na malalaki na at ayaw nang mag-pahatid sa school, makilala ang iyong mga anak at ang mga kaibigan nito. May maa-ayawan ka at may magugustuhan.

Sabi nga ng mga onaks, “If you can’t take the heat, get out of the kitchen!” (Onaks ba original nun?) Kung ayaw mong makita lahat nang mga nabanggit sa taas, close your account. Huwag mag-browse, huwag tumanggap ng invites. Kung na-out of place ka lang, am sure may iba ding naa-out of place sa mga alam mo minsan. May alam ka, na hindi alam ng iba, so dapat alam mong may alam din sila na hindi mo alam.
Facebook is a perfect example of cultural diversity. Ang diversity ay hindi lamang nangyayari sa pagitan ng mga bansa, ito rin ay nagaganap sa pagitan ng mga bayan, ng mga syudad, ng mga ka-trabaho, ng mga kaibigan, at ng mga indibidwal sa pamilya. Minsan nga, you find diversity in you - ayaw ko neto dati ah, bakit gusto ko na ngayon?
Lahat tayo ay may kanya-kanyang kultura.Ngayon kung ang problema po ay ang laman ng kanilang mga sinasabi, ibang topic na po iyon - responsible social media management. Baka ibang entry na 'yun.
Opinyon lang po. Malaya po kayong sumagot. Ok lang din tumahimik.
naging tambayan nga ang fb ng iba't-ibang tao
ReplyDelete